tila ibon kung lumipad
sumabay sa hangin ako'y napatingin
sa dalagang nababalot ng hiwaga
mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa?
kung kaagaw ko ang lahat may pag-asa bang makilala ka?
awit na nananawagan
baka sakali na pakikinggan
pag-ibig na palaisipan
sa kanta na lang idaraan
nag-aabang sa langit
sa mga ulap sumisilip
sa likod ng mga tala
kahit sulyap lang DARNA
ang swerte nga naman ni ding
lagi ka niyang kapiling
kung ako sa kanya liligawan na kita
mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa?
kung kaagaw ko ang lahat may pag-asa bang makilala ka?
awit na nananawagan
baka sakali na pakikinggan
pag-ibig na palaisipan
sa kanta na lang idaraan
nag-aabang sa langit
sa mga ulap sumisilip
sa likod ng mga tala
kahit sulyap lang DARNA
tumalon kaya ako sa bangin para lang iyong sagipin
ito ang tanging paraan para mayakap ka
darating kaya sa dami ng ginagawa
kung kaagaw ko sila paano na kaya?
awit na nananawagan
baka sakali na pakikinggan
pag-ibig na palaisipan
sa kanta nalang idaraan
nag-aabang sa langit
sa mga ulap sumisilip
sa likod ng mga tala
kahit sulyap lang DARNA
nag-aabang sa langit
sa mga ulap sumisilip
sa likod ng mga tala
kahit sulyap lang DARNA
No comments:
Post a Comment